OFW Stories, Jobs Abroad, Informative Issues and Guides

Isang Pulubi, high-tech na ang panlilimos ng pera

📷: CTTO
Kung lagi kang may nakikita na pulubi sa kalsada na panay bukas ng palad para mamalimos at sinasabi mo lagi na wala kang pera. Dito kay Lola sa China hindi gagana ang katwiran mo na wala kang dalang pera dahil tumatanggap lang naman siya ng limos sa pamamagitan ng money transfer sa multi-messaging app na WeChat.

Ayon sa Facebook post ni Fazil Irwan, ikwento niyang kumain sa labas ang kanyang mga kaibigan nang makatagpo ang isang Lola na namamalimos. Nanghingi daw ang matanda ng limos, ngunit sinabi na isa nilang kaibigan na babae na wala silang dalang pera.

Hindi ito naging problema kay Lola nagpresinta siya na sa WeChat na lang gawin ang transaksyon. Ipinakita ni Lola and kanyang quick response (QR) code na konektado sa app at saka pinasahan ng pera ng babae gamit ang WeChat Pay.

Share:

Grade 9 student, nagbigti dahil mababa ang grado

📷: CTTO

Patay ang isang 15 anyos na grade 9 student sa Norola National High School na si Quirbe Llalen matapos magbigti sa kadahilanang bumagsak ang kanyang grado. Nakatira ang biktima sa Purok Krislam Brgy. Simsiman Norola South Cotabato.
Bago nagpakamatay, malungkot daw umano na umuwi si Quirbe sa kadahilanang bagsak nga ang kanyang grado, kinantiyawan din umano ito ng kanyang mga kaklase kaya ganun na lang ka depressed ang biktima. Bandang alas-5:00 ng hapon natagpuan ng pamilya ang binatilyo sa kanyang kwarto na nakabitin na sa kisame at wala ng buhay.

Share:

Tatlong OFW na nakulong sa Riyadh, Saudi Arabia Nakalaya na! Mga kababayan nag-ambag ambag para matulungan sila

📷:CTTO

Naka-uwi na sa bansa ang tatlong OFW na nakulong ng tatlong taon sa Riyadh, Saudi Arabia dahil sa pagkaka-frame-up sa kanila. Nang makarating sila sa Airport marami ang naawa sa kanila dahil wala silang ibang dala kundi ang kanilang suot na damit na inmate pa ito at naka- tsinelas lang sila.

Kaya naman nagkusang tumulong ang ating mga kababayan na kapwa nila OFW na bigyan sila ng kunting tulong para naman kahit papaano mayroon silang maiuuwi na pasalubong sa kanilang pamilya. Nag-ambag ambag ang karamihan para makatulong sa tatlong OFW.

Share:

Jeepney driver nagpapasakay ng libre sa mga evacuess

📷: CTTO

Isang jeepney driver, nagpapasakay ng libre sa mga Evacuees na nasalanta ng pag alburuto ng bulkang taal. Ayon sa uploader ng bababa na sila sa kapitolyo ng kasama niya na si Tap ay napansin ni Mamang driver ang kanyang plastic na may laman na mga damit. Kaya agad nagtanong ang driver kung sila ba ay mga Evacuees, agad naman siya sumagot ng opo.

Kaya agad naman siyang sinabihan ng driver na huwag ng magbayad ng pamasahi dahil isang linggo na daw niya itong ginagawa na nagpapasakay ng libre sa mga Evacuees sa mga nasalanta ng bulkang taal. Lahat ng sasakay kay Mamang driver ay lagi siyang nagsasabi na huwag na magbayad kapag mga Evacuees.
Kaya laki ng pasasalamat ng uploader kay Mamang driver na sobrang bait at nawa'y mas pagpapalain kapa ng panginoon. God bless you po.


Share:

Isang pinay sa singapore kulong matapos mabisto na peke ang kanyang school records

📷: CTTO

Si Noriza Dancel De Luna, 38 taong gulang ay nagbigay ng pekeng dokumento sa ahensya ng Singapore na nauukol sa kanya at sa kanyang anak na babae na kinilalang Taydee Deevy Rick de Luna sa panahon ng kanyang permanenteng paninirahan sa mga buwan ng 2008 at 2009.

Si Noriza ay sinasabing nagbigay ng diploma at transcript of records nagmula sa Centro Escolar University Manila. Subalit sa pagpapatunay at napag-alaman na hindi siya nakapag-aral sa paaralang iyon at walang siyang mga records doon.

 Naaresto si Noriza noong nakaraang oct 25,2017 ngunit noong Enero 15 lamang siya nakatanggap ng notice na isang parusa ng pitong linggo na pagkabilanggo.

Kaya naman ipapaalalahan ang lahat na kung kayo ay mangingibang bansa ay huwag gumawa ng pekeng mga dukomento para hindi maging alanganin ang buhay niyo sa ibang bansa.
Share:

Mga taga ROMBLOn, muli na naman nakahuli ng mga naglalakihang tulingang isda

📷: Tessa Ann Falguera

 Mga mangingisda sa Brgy. Sawang ng Romblon marami na naman nahuli ng naglalakihang isdang tulingan knnang umaga. Kaya naman tuwang-tuwa ang halos lahat ng residente doon. Hindi akalain ng mga mangingisda na ganito kadaming tulingan ang kanilang mahuhuli ulit.

Kung maaalala niyo noong nakaraang Friday ay dinagsa din ng naglalakihang isdang tulingan ang bayan ng Romblon. Marami rin huli ang mangingisda doon. Kaya naman ang iba ay sinasabi ay swerte ang dala ng mga nahuhuling maraming isdang tulingan. Dahil bibihira daw sila makahuli ng ganitong karaming isda at malalaki pang tulinga.
Share:

"Mga evacuess may libreng couple nest hanggang dalawang oras

📷: Jeck Batallones

  Karamihan sa ating mga mag-asawa or mag live in partner ay wala ng privacy ng pagtatalik or pakikipag love making sa loob ng evacuation center dahil sa siksikan at walang privacy na kwarto sa mag pamilya na nasalanta ng pag-alburuto ng Bulkang-Taal.

Kaya naman binuksan na ang couple nest para sa mga mag-asawa or mag live-in partner na mga evacuees sa Tagaytay. May lima silang kwarto na pwede gamitin sa mga mag couple, pero may dalawang oras lang sila para gamitin ito.

Pero bago sila magsaya or mag love making sa kwarto ay kailangan muna silang magparehistro at sasailalim muna sila sa family planning seminar  at saka bibigyan ng condom para sa contraceptive.
Share:

Isang bride niregaluhan ng kanyang groom ng isang milyong piso

📷: Teambenitezphoto

Lahat ng mga babae ang lahat ng inaasam ay kanilang dream wedding sa kanilang Mr. Right. Paano pa kaya kung hindi lang singsing ang bigay ng groom sa kanyang bride sa kanilang araw ng kasal kundi isang tumataginting na isang milyong piso.

Ayon sa Team Benitez Photo na kumuha ng larawan, pagkarating nila sa hotel para sa gaganaping kasal ay agad silang nilapitan ng wedding coordinator,na may regalo or pasabog ang groom sa bride. Laking gulat nila ng makitang flowers at isang milyong piso ang inabot ng groom sa bride.

Siyempre sobrang saya ng bride, ayon sa photographer" of course the cash is just a bunos, the main is gift is their marriage.
Share:

Babaero na nga, jumbangero pa! Inerereklamo kay Idol Raffy


 Dumulog si Venus kay idol Raffy Tulfo para ereklamo ang kaniyang ka live-in partner na si Romeil, babaero na nga, siya pa ang may ganang mambugbog. Ayon kay Venus nagsumbong ang kanyang mga anak at kapatid sa kanya na mayroong kausap si Romeil sa cellphone, narinig daw nila na nagsabi pa ito ng i love you. Kaya naman agad niya itong kinompronta pero imbes na magpaliwanag ay agad daw siyang sinakal at pinagsusuntok sa ulo kaya naman natamaan ang kanyang mata, sanhi ng pagkakaroon ng black eye. Huminto na si Romiel sa pambubogbog sa kanya ng awatin ng ina ni Venus.

May ibang babae na pala si Romiel dati pa na si Cathy Manlingas, sa tuwing nag-aaway daw sila umaalis daw si Romiel at bumabalik balik naman ito after 2 weeks. Dahil sinasabi lagi na magbabago na siya, tinatanggap naman niya ito at dahilan na rin sa pareho silang broken family ni Romiel kaya ayaw niyang matulad ang kanilang mga anak sa kanila.. Hanggang sa umabot na sinasaktan na siya ni Romiel. Sabi ni Idol Raffy kay Venus na ipakulong na lang niya ang kanyang live-in partner dahil sa ginawa nito sa mukha niya, kung inaalala daw ni Venus ang kanilang mga anak na wala siyang ipapakain sagot na niya ang kanilang sustento sabi idol Raffy.

Pero pinili parin ni Venus na mag-kausap at magkaharap sila ni Romiel dahilan daw na mabait ang mga magulang ni Romiel sa kanya. Pinagbigyan ni Idol Raffy si Venus, tinawagan ni idol si Romiel na pumunta sa tv 5 para magkausap sila ng harapan. Pero noong magkaharap sila halos hindi na magsalita si Romiel sa sobrang hiya ay tinatakpan nito ang kanyang mukha at ayaw magsalita kahit ilang beses na siyang tinatanong ni idol Raffy. Para ganahan binigyan siya ng tubig ng staff ni idol, pero hindi parin ito nagsasalita kahit marami ng masasakit na salita si Venus sa kanya. Maya't maya nagsabi na naiihi daw siya, tawa si idol sabi bigyan ng arenola baka meron jan nakadalawa or tatlong bote siya ng tubig na naubos kaya naman dalawang beses din c Romiel umihi. Tawa ng tawa si idol sabi bigyan na lang arenola baka meron jan.

Tinawagan ni idol Raffy ang gf ni Romiel na si Cathy na siya na lang manghingi ng tawad kay Venus para hindi makulong at baka magbago ang isip ni Venus, pero imbes na manghingi ng tawad si Cathy pa ang mayabang at malakas mang-away kay Venus na sinasabi niya na siya daw ang mahal at kaya lang daw babalikan ni Romiel si Venus para daw hindi siya ipakulong nito. Sabi pa ni Venus malakas pa mang-asar si Cathy dahil iyong mga picture at mga ginagawa nila ni Romiel ay pinapasa sa cellphone niya.

Sa bandang huli nagsalita na si Romiel hingi siya ng tawad kay Venus pero mukhang hindi sincere. Kaya tinanong siya ni idol Raffy kung sino ang pipiliin niya si Cathy or si Venus. Sagot ni Romiel si Venus ang kanyang pinipili. Sabi ni Venus siya ang pinipili dahil takot siyang makulong. Dahil sa mauubusan na si idol ng oras kakausapin na lang sila sa opisina ni idol.
Share:

Isang Lola pinili na ikansela ang kanyang magarbong birthday celebration para ipamahagi at makatulong sa mga nasalanta ng bulkang taal


 Hindi parin talaga nawawala sa ating mga Pilipino ang likas na pagka-matulungin  sa oras ng mga kalamidad at mga pagsubok sa buhay. Mayaman man o mahirap pagdating sa kalamidad ay nagtutulungan.

Katulad na lang kay Lola Belen Mulingtapang na imbes na inilalaan niya ang kanyang pera para sa darating niyang magarbong ika- 75th birthday celebration ay mas pinili niyang ibili na lang ng mga relief goods para ipamigay sa mga nasalanta nating kababayan ng bulkang taal.

Ayon sa kanyang anak na si Sherwin, mas pinili ng kanyang ina na kanselahin ang kanyang birthday celebration para makatulong sa kapwa natin na nangangailangan ng tulong. Kahit na ang kanyang celebration ay priparado na.

Share:

Lindol umabot na sa 200 mahigit dahil sa pag alburuto ng bulkang taal


Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOCS) aabot na sa 240 na lindol ang nararamdaman sa mga kalapit lugar.

Magnitude 4.1 ang naitalang pinakamalakas na pagyanig habang ang intensity 1 hanggang 5 ang saklaw nito.

Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, 140 rito na lindol ang naramdaman.

Hanggang ngayon inaasahan parin ang maya't mayang paglindol bunsod ng pagputok ng bulkang taal na naka Alert level 4 parin.

Kaya mag-ingat po tayong lahat lalo na sa malapit sa bulkang taal. Lumikas na po para sa ating kaligtasan.
Share:

Isang Ginang na mananahi, gustong makatulong kaya nanahi siya ng face mask para ipamahagi sa ating mga kababayan


Dahil sa nagkaka-ubusan na sa mga drug store ng mga face mask. Naisipan ni nanay na manahi ng sarili niyang gawa na face mask at maibahagi sa ating mga kababayan na nangangailangan ng tulong.

Ayon sa kanyang anak na si Mary-ann naisipan daw ng kanyang nanay na manahi ng mga face mask. Sa kadahilanang nag-kakaubusan ng facemask sa tindahan at gusto niya itong ipamahagi ng libre.  Sa kahit na anong paraan ay makatulong.
Share:

Ginger for long and shiny hair


The warming and stimulating effects of ginger work to increase the scalp circulation and encourage healthy hair growth. Ginger contain anti-oxidant gingerol, which helps to fight free radical you got to keep them away as these can damage hair cells, and cause hair thinning and hair loss.

Ingredients:
- 1 tablespoon ginger juice
- 2 tablespoon coconut oil or sesame oil

Process:
- Take a 3 inch piece of ginger, wash and peel.
- Fine grate or blend the ginger into a fine paste
- Squeeze out the juice using a muslin cloth or sieve and use that.
- Combine ginger and coconut oil
- If your coconut oil is in a solid state, place a bowl in hot water until it turns to a liquid.
- Then add ginger juice and stir well.

How to apply:
- Massage the mixture into your scalp
- Leave the treatment on for 1 hour
- You should feel slight warming effect on your scalp
- Wash as usual
- Repeat one or twice a week for best results

Share:

display

Popular Posts

In-feed