OFW Stories, Jobs Abroad, Informative Issues and Guides

Look: Isang buntis na manganganak na, patay matapos tanggihan ng iba't-ibang ospital sa Laguna

📷: CTTO


Isang buntis na manganganak na, patay matapos tanggihan ng iba't-ibang ospital sa lalawigan ng Laguna.

Ayon sa kapatid ng biktima na si Mary Grace Alapide manganganak na ang kanyang kapatid kaya itinakbo na nila ito sa ospital ng Cabuyao pero hindi nila tinanggap ang kanyang kapatid binigyan lang sila ng referral para dalhin sa J.P. Rizal Hospital. Pero ganun din po ang nangyari hindi sila tinanggap dun sa J.P Rizal Ospital kahit na sila ay may ipinakita silang referral. Kaya ayon kay Mary Grace bumalik uli sila sa ospital ng Cabuyao, pero hindi parin sila tinanggap bagkus ay sinabihan pa sila na once bigyan ng referral ang pasyente hindi na daw pwedeng ibalik sa kanila. Kahit na kompleto naman sa kanyang check-up ang kapatid niya sa OB na si Doc. Madarang.

Dahil sa hindi talaga sila tinanggap kahit anong paki-usap nila sa ospital ng Cabuyao ay napagpasyahan nilang dalhin ang kanyang kapatid sa Rizal Medical Center (R.M.C) ng pasig. Pero sa kasamaang palad dahilan sa pagod at layo ng byahe nila ay binawian na ng buhay ang kapatid niya sa ospital ng R.M.C.

Ayon kay Mary Grace kapatid ng biktima, namatay ang kanyang kapatid noong April 09, 2020 hanggang ngayon ay hindi pa nila nakukuha ang bangkay ng kanyang kapatid sa Pasig Evergreen Crematory sa kadahilanang kapos sila sa pera, ang bill nila na 9,750,00 ay umabot na ito ng 91,000.00 dahil araw-araw itong tumataas. Kaya nanawagan si Mary Grace Alapide na matulungan sila sa financial para makuha ang bangkay ng kapatid.

Kaya sa mga nais pong tumulong ay maaari niyobpo silang kontakin sa numerong;
Mary Grace Alapide
Cp no: 0910-778-4217

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts