Ilang araw ng inuulan ng walang humpay ang buong Visayas at Mindanao ng dahil sa bagyong Agaton. April 10, 2022 ang bagyong Agaton ay mas lumakas pa at ito ay tuluyan ng naging ganap na Tropical Storm intensity, may lakas ng hangin na 75 km/h at may bugso ng hangin na 105 km/h. Ito ay binigyan ng international name na Megi at kahapon April 10, 2022 7:30am ng umaga ay tuluyan na itong tumama o naglandfall ang bagyong Agaton sa kalupaan ng Calicoan Islands, Guiuan, Eastern Samar.
CTTO
Maraming lugar ang baha at nagmistulang dagat ng dahil sa walang humpay na pag-ulan at nagkalandslide bunsod ng bagyong Agaton, at isa na dito ang Brgy. Bunga Baybay City, Leyte na halos 13 ka bahay ang natabunan kagabi bandang 11:30pm at 22 katao ang hinihinalang nawawala. Sa kasagsagan ng malakas na ulan at hangin kagabi hindi nila inaasahan na mangyayari ito sa kanila. Hanggang ngayon patuloy pa rin ang Search and Retrieval Operation ng mga Rescue Unit sa mga natabunan na mga bahay. Marami parin ang umaasa na matatagpuan ang mga nawawalang pamilya na natabunan ng lupa bunsod ng landslide.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
FOR YOUR INFORMATION: Pinay Care is not an Agency nor an Agent. We are not accepting online applications and referrals. All content provided on this blog is for informational purposes only. The owner of this blog makes no representations as to the accuracy or completeness of any information on this site or found by following any link on this site. The owner will not be liable for any errors or omissions in this information nor for the availability of this information. The owner will not be liable for any losses, injuries, or damages from the display or use of this information.
No comments:
Post a Comment